Ayan, ikekwento ko nangyari sakin sa Chorale Auditions. From the title nga naman, isa syang disgrasya. So ayun, nagpunta kami ni Jaki sa 5th floor ng SPS building ngayon lang. Actually, kakagaling lang namin dun. Medyo mabilis-bilis pa nga tibok ng puso ka dahil sa kaba, e. Ewan ko nga ba kung bakit ko pinapaalam sa inyong lahat to e, nakakahiya. Anyway, so ayun, nauna si Jaki. Tapos naghihintay ako sa labas. LubdubLubdubLubdubLubdub... Grabe talaga kaba ko. Pero wala yun nung tinawag na ako. Hindi naman ako natatakot e, pero automatic yung puso na bumibilis, tapos yung hands and knees ko nanginginig, tapos yung boses nanginginig rin. So halatang halata talagang hindi ako takot diba? Patay. Turn ko na. Sabi ni Jaki mahirap raw... hala... Una, pinasunod sa akin yung mga tunes na pine-play sa piano. Sa una ok lang, pero yung mga sumunod ang hirap na. Pahirap nang pahirap at pahaba nang pahaba. Finally, natapos yun, at pinakanta ako ng sarili kong song. Dahil wala akong maisip, kinanta ko yung sa Phantom of the Opera, "Think of me, think of me fondly...". Dahil na rin sa naging inspirasyon ko ang idol kong singer na si Ms. Janel Favila. :) Ok naman yung pagkanta ko... pag nasa condo ako! Pero nung kinanta ko roon, sabi ko "... think of me fondly, when we've said ghhhhh-! " Yak talaga. Hindi ko sya naabot. Nawala boses ko. :'( So inulit ko. Buti nalang talaga nagawa ko nung sumunod. Sana maisip nila na dahil lang yun sa kaba... sigh. Parang ang hirap abutin nung matataas na parts pag maraming nanonood... Oh well, ganyan talaga ang buhay. lol
Comforting words na sasabihin nyo sakin pag lumabas na ang results:
"Pag regular ka na raw sa Chorale, everyday ang practice, 6-9 ng gabi. Pero pag beginner siguro raw MWF 6-9 ng gabi. Hectic parin diba? Mag Math Circle ka nalang! Go Math Circle!!"
Well, sasali naman talaga ako sa Math Circle matanggap man sa Chorale o hindi e... :)
Wednesday, June 6, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment