Thursday, July 19, 2007
Aaaww... wala na yung Harry Potter Countdown
Actually, dapat yan ay, "Yehey! Wala na yung Harry Potter Countdown."
Nagloloko na kasi yung countdown for the 5th movie kasi showing na, tapos pati na rin yung countdown nung release nung book7 nagloloko.. ewan ko kung bakit. Hindi pa naman released.
Oh, well... isa lang ang ibig sabihin nun...
MALAPIT NA ANG RELEASE NG HARRY POTTER AND THE DEATHLY HALLOWS!!!
July 21, 2007. This saturday na! Kaya kailangan ko nang gawin ang mga reqrments before magweekend dahil sigurado akong wala akong mabubuklat na ibang libro hangga't hindi ko pa tapos ang book7. Siguro naman kaya kong tapusin yon this weekend, 37 chapters lang ata. Kagabi kasi, binasa ko yung leakage(hindi ako makapagtiis eh!!), kaso hanggang chapt10 lang yun. Tapos inabot ako ng mga 5 oras. So halos 30 mins per chapter?! Ang bagal ko magbasa!! haha.. syempre kasi talagang fini-feel ko yung nangyayari. Naluluha-luha na nga ako sa comp shop e. Pramis ang ganda talaga. Simula palang yun! First 10 palang.. Pero grabe talaga, nagkaleakage! Noong una, sure pa ako na fake yun, pero nung nabasa ko na... shucks. Ito talaga yon! Kung hindi, sasambahin ko yung gumawa nyan. Kasi gayang gaya nya style ni JK Rowling at ang galing ng plot nya. So, 99% sure ako na yun na nga yun. Isa syang malaking spoiler! Pero may maganda syang nagawa sakin(kahit na naubos ang load ko sa internet at halos hinintay ko nang pagsaraduhan ako ng comp shop at hindi ako nakapag-aral para sa Algeb quiz kinabukasan at hindi ko natapos yung genetic problems sa dihybrid cross at hindi ako nakapagbasa ng philo) dahil... muling nag-intesify ang aking pagka harry potter addict. Excited ako sa book7, pero hindi na katulad nung dating mania. Pero after kong mabasa yung leakage, parang nagkaroon ako ng preview, ng trailer!, sa book7. Hindi na ako makapaghintay mag 21! Pupunta na ko ng sm ng 9:30 ng umaga at maghihintay sa labas hanggang magbukas sya! Har har!
At manonood pa nga pala nung Pisay movie! Nakabili na kami ni Jaki ng tiket for thursday, sa 26, kasi akala nung una hindi pwede si jaki ng saturday. At kasama nga pala namin si Alyssa, roommate namin ni jaki. O diba, kahit di sya pisay, gusto nya manood. :) So hindi pa ako 100% sure na manonood ako ng satrday, although gusto ko. At willing akong isara muna ang book7 at iwanan sa kotse habang nanonood ng film.. at parang gusto rin daw manood ni dad, so baka manoood kami nang saturday! yehey!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment