Tuesday, May 29, 2007

guys, help naman sa philosophy o... ;)

"Prove that this world does not exist."

" One-fourth sheet, five minutes." Tapos lumabas sya ng kwarto.
Scary. First meeting pa naman yun. Yan na ang pinaka-dread ko sa mga bagong school... baka may terror teacher. Pero mabait naman sya, nakakatakot lang minsan. hehe. Sabi nila lahat daw ng philo teachers ganun... Ano ba meron sa philosophy??! Nababaliw na kami ni Jaki! Nagrereklamo na nga sya kay Ma'am Oble, eh.. On the bright side, sobrang interesting ng Philosophy! As in. Well, para sa akin. hehe. Go Introductory Philosophy!!!

Wednesday, May 23, 2007

yehey. mas mabilis ang internet connection sa comp shop!

First day ngayon ng classes sa La Salle!! Masaya naman... kasi masaya ang teachers (so far)... well dalawang classes palang naman ang napupuntahan ko eh.. hehe
Ay, alam nyo ba... na may 4 hours kaming break sa gitna ng dalawa lang na klase namin tuwing wednesday??!!! Buti nalang isang tawid lang nasa condo na kami ni Jaki! hehe!!
Oo nga pala... roomates ko si Jaki at si Alyssa!! Tapos nakita ko na rin yung mga taga ISM, sina Markus at Rosielle! Pero yung mga Pisay hindi pa... sina Jerome, Kamae, Nico, cno pa ba? Niwei,
orientation namin noong May 18 and 19... Wala lang.. Ang galing nila.. nakaka-green. =) heehee!
Hay naku! First day may homework na! Pero madali palang naman... =)

Atsaka marami akong nakitang kamukha ni Kim Galleposo!! lol
as in.. ang daming magpapaalala sakin kay Kim!
May kaklase kaming kamukha ni Homer!

at kasalukuyan akong naa-addict sa Makes Me Wonder ng Maroon 5!!!!

Sunday, May 13, 2007

ay grabe

Sinong hindi tatamaring gumawa ng blog sa isang computer na may 30 Kbps speed ng internet???!!!!

Pero dahil mukha siyang masaya... at mukhang magandang paraan para maging updated sa mga malalayong friends(sigh), ay napilitan tuloy akong gumawa. Dahil rin naman halos lahat na kayo meron. hehe. :)