Tuesday, October 9, 2007

SORE EYES

Yup, may sore eyes ako. haha.

Noong wednesday pa. Absent tuloy ako noong thurs and fri. Tapos halfday kahapon (monday) at absent uli ngayon.
Sayang... may quiz pa naman ngayon sa stat. I missed the fun!
On the bright nerdy side, may time ako makapaghabol ng mga aralin dahil kahit mahaba ang weekend ko (thurs, fri, sat, sun) e sino ba naman ang makakapag-aral kung hindi mo mabuksan ang kaliwa mong mata? Kaya nga pumasok na ako nung monday e, kasi akala ko okay na. Ang laki kasi ng improvement from no eyes to red eyes. Pero,oh well, pinauwi ako ng clinic. haha.

So ginamit ko nalang yung time kanina to catch up sa mga lessons. Sinisipag kasi ako e:
sa kama, may 3 libro, 5 notebook, 2 handout, 1 mp3, 1 cellphone, 1 taong tulog (ako yun).
Grabe ang sipag.

Nagbasa-basa naman ako ng kaunti bago gawin 'to. :)