Wednesday, June 27, 2007

"Esse est percipi."

“To be is to be perceived (Esse est percipi).” Or, “If a tree falls in the forest and no one is there to hear it, does it make a sound?” – Bishop George Berkeley (1685 – 1753)

What if a hidden camera is placed in the trees to capture the tree falling? No one was there to perceive it at that time... but it made a sound, as perceived by the camera. Does this mean that the perceiving can be done by objects such as the camera? Or Was the camera just showing an illusion? Or was it that the whole tree falling phenomenon happened all over again (or just happened!) the moment we played the record because that's just the time we perceived it? and from everything we have perceived in our experiences and reasoned with our minds, we know that cameras record what's in front of them which gives us a justified true belief that there really was a tree falling phenomenon which happened deep in the woods, perceived by no one except the camera and perhaps some ants that were squashed by the falling tree? Therefore, we have knowledge about that event.
Oh, and therefore, God exists! Since there is the possibility nga naman that the camera does not count as a perceiver and neither do the ants since they no longer existed(they were squashed beneath the tree remember?) so God was the one who perceived it. He perceives everything and so everything exists since everything is perceived. Bow.

This sentence is false. Is it true?

(1) No, it is not true. Kakasabi mo nga lang na false yung sentence e! Edi not true!! Duh!
(2) Yes, it is true. It is true that the sentence is false. Duh.
(3) Paki ko ba? :P bleh.

Tag/comment kau... Choose a number or make your own. :)
Para sa mga masipag mag-aral dyan, 6 ways to relieve stress:
http://health.yahoo.com/experts/drmao/5378/go-stress-free-for-a-longer-life

Tuesday, June 19, 2007

WALANG TUBEEEG!!!!

Monday morning, June 18 (happy birthday jane)...
Ayan, naggising kami... tapos walang tubig! As in yung buong condo raw walang tubig!! Ano gagawin namin?! Ilang oras nalang may klase na kami! Haha.. So ayun, *Panic*panic kami. Tapos buti nalang may Tita si Alyssa na malapit lang sa condo. Kaya nag-taxi kami tapos nakiligo kami. hehe. Akala ko ba naman doon na nagtatapos ang aming panic moments pero hindi!! Wala paring tubig nung gabing yon! Buti nalang naalala namin yung kaklase namin ni Alyssa nung elementary... si Angelie!! Si Angelie ay nag-aaral sa Benilde at malapit lang din sa amin ang apartment. So dun kami naglinis nung gabing yun.. The next day(ngayon).. wala parin!!! Grabe, balak na nga namin ni Jaki lumipat sa ibang condo e.. joke lang. :) Oh well, noong umagang yun, dun naman kami kina Pito nakiligo... Grabe, nakakahiya talaga kami! :))

Dedicated ang post kong ito sa mga nagbirthday noong 18(jane) and 19(cheska, jerome, joreb, jake, paul) at sa mga mabubuting taong naawa sa amin sa mga araw na nangangailangan kami ng tubig at banyo. :)) Maraming salamat talaga... Dahil kung hindi sa inyo, ewan ko nalang... Kadiri kami. :)) Muntik na kaming makiligo kay kuya Enrique.. (Enrique Razon Sports Complex)

Update:
Nagpunta kami Robinson's para bumili ng malaking balde ng tubig. Dalawa pa binili namin in case na wala pang tubig kinabukasan! Tapos pag-uwi namin, may tubig na. Sayang lang yung binili naming dalawa. Minamalas talaga kami ngayon. ;)

Wednesday, June 6, 2007

Disgrasya.

Ayan, ikekwento ko nangyari sakin sa Chorale Auditions. From the title nga naman, isa syang disgrasya. So ayun, nagpunta kami ni Jaki sa 5th floor ng SPS building ngayon lang. Actually, kakagaling lang namin dun. Medyo mabilis-bilis pa nga tibok ng puso ka dahil sa kaba, e. Ewan ko nga ba kung bakit ko pinapaalam sa inyong lahat to e, nakakahiya. Anyway, so ayun, nauna si Jaki. Tapos naghihintay ako sa labas. LubdubLubdubLubdubLubdub... Grabe talaga kaba ko. Pero wala yun nung tinawag na ako. Hindi naman ako natatakot e, pero automatic yung puso na bumibilis, tapos yung hands and knees ko nanginginig, tapos yung boses nanginginig rin. So halatang halata talagang hindi ako takot diba? Patay. Turn ko na. Sabi ni Jaki mahirap raw... hala... Una, pinasunod sa akin yung mga tunes na pine-play sa piano. Sa una ok lang, pero yung mga sumunod ang hirap na. Pahirap nang pahirap at pahaba nang pahaba. Finally, natapos yun, at pinakanta ako ng sarili kong song. Dahil wala akong maisip, kinanta ko yung sa Phantom of the Opera, "Think of me, think of me fondly...". Dahil na rin sa naging inspirasyon ko ang idol kong singer na si Ms. Janel Favila. :) Ok naman yung pagkanta ko... pag nasa condo ako! Pero nung kinanta ko roon, sabi ko "... think of me fondly, when we've said ghhhhh-! " Yak talaga. Hindi ko sya naabot. Nawala boses ko. :'( So inulit ko. Buti nalang talaga nagawa ko nung sumunod. Sana maisip nila na dahil lang yun sa kaba... sigh. Parang ang hirap abutin nung matataas na parts pag maraming nanonood... Oh well, ganyan talaga ang buhay. lol

Comforting words na sasabihin nyo sakin pag lumabas na ang results:
"Pag regular ka na raw sa Chorale, everyday ang practice, 6-9 ng gabi. Pero pag beginner siguro raw MWF 6-9 ng gabi. Hectic parin diba? Mag Math Circle ka nalang! Go Math Circle!!"

Well, sasali naman talaga ako sa Math Circle matanggap man sa Chorale o hindi e... :)

Tuesday, June 5, 2007

hindi napost yung pinaghirapan kong itype kanina??!!!

Nagpost na kasi ako e... tapos nung sinave ko, ewan ko, nag error. Uulitin ko uli! wah.. :'(
Anyway, wala akong maisip na ipost kasi wala pa namang makabuluhang nangyayari sa life ko... hmm... ah, eto nalang. Bukas may auditions sa Chorale, at nag-sign up ako. Finally, nagkaroon ako ng lakas loob ( at kapal ng mukha) na mag-audition. hehe. Naisip ko kasi na wala pa naman akong kakilala sa Chorale kaya kung sakaling magkalat ako, bearable pa naman ang shame. :))

Mag-tag nga pala kayo. Bago lang yan e, kaya wala pang laman...

Kaya maawa kayo lagyan nyo naman!!


Salamat.



;)