Wednesday, July 25, 2007

~8D







the seventh. the last.

...

waaah!! D ':

so sad... and so happy at the same time.

Sad because there won't be anymore to follow. Sad because it's the last.
I will miss the painful feeling of being forced to wait for what may happen next to Harry.
I will miss reading about fan predictions to momentarily satisfy my Harry Potter cravings.
I will miss making up my own guesses.
I will miss the excitement burning in me at the prospect of the next Harry Potter book.
'coz there will no longer be any.

sigh...

pero happy...
kasi ang ganda ng Harry Potter and the Deathly Hallows. It is, no doubt, my favorite book from the series.
...adventures...laughs...suspense...and tear-jerking moments...
As in habang nakikinig ako ng songs ng Linkin Park sa Minutes to Midnight, na-iimagine ko na music video nung songs ay Harry Potter. Like yung song na yun yung theme song ng certain harry potter book or something.. Pero in fairness, bagay naman yung songs...
Kaya pag hindi nyo pa nababasa yung book 7, basahin nyo na, parang awa nyo na... :D

Nabasa ko nga pala... may balak daw si JK Rowling na gumawa pa ng book about Harry. But it won't be a sequel, maybe something like an encyclopedia raw. So, at least may hihintayin parin ako tungkol kay Harry.
Another good thing is makaka-explore na ako ng ibang books. Syempre, uulit-ulitin ko ang mga Harry Potter books hanggang sa makabisado ko... hehe, hanggang magsawa ako. Harry taught me to love reading. Since the first time i've read about him, he's been with me until now. Kaya malapit na malapit yan sa puso ko... at hindi na yun matatanggal. Harry, Ron, Hermione and the rest of the gang will always be with me. Their stories will always be in my bookshelf, ready to be relived in my imagination anytime I wish. Anytime, unless siguro, pag finals kinabukasan or something. hehe. ~8)

'ear, 'ear!



nakaka-aliw eh... galing sa http://www.msnbc.msn.com/id/19917190/

The following are things I spoke aloud while reading “Deathly Hallows”:






  • “If I don’t read it, nobody has to die.” I said this in response to my roommate’s inquiry as to why I was carrying the unopened, 759-page tome around all morning. Upon opening the book, two things hit me: These people are actually about to die. And clearly, only I could save them. There was only one way to stop it: I snapped the book shut.



  • “All right, Harry. It’s just you and me.” I said this as I tried to get the nerve to start reading. Three times, I opened and closed the book, never letting more than the first word register. But the fourth time, the first sentence wormed its way into my brain. And that, as any Harry fan knows, is all it takes to get hooked. I read the entire thing in two sittings.



  • “Oh, no!” So many deaths. For the number of my favorite characters J.K. took, she’s lucky I haven’t hunted her down and Avada Kedavra’d her by now.



  • “GASP!” And a happy gasp, at that. Perhaps this makes me a glass-is-half-empty sort of person, but I’d become convinced that Harry was a goner. And so I read the final few chapters in disbelief, wearing a huge, slightly goofy grin on my face. What a perfect ending.— Melissa Dahl, MSNBC.com intern

Thursday, July 19, 2007

Aaaww... wala na yung Harry Potter Countdown


Actually, dapat yan ay, "Yehey! Wala na yung Harry Potter Countdown."
Nagloloko na kasi yung countdown for the 5th movie kasi showing na, tapos pati na rin yung countdown nung release nung book7 nagloloko.. ewan ko kung bakit. Hindi pa naman released.
Oh, well... isa lang ang ibig sabihin nun...
MALAPIT NA ANG RELEASE NG HARRY POTTER AND THE DEATHLY HALLOWS!!!
July 21, 2007. This saturday na! Kaya kailangan ko nang gawin ang mga reqrments before magweekend dahil sigurado akong wala akong mabubuklat na ibang libro hangga't hindi ko pa tapos ang book7. Siguro naman kaya kong tapusin yon this weekend, 37 chapters lang ata. Kagabi kasi, binasa ko yung leakage(hindi ako makapagtiis eh!!), kaso hanggang chapt10 lang yun. Tapos inabot ako ng mga 5 oras. So halos 30 mins per chapter?! Ang bagal ko magbasa!! haha.. syempre kasi talagang fini-feel ko yung nangyayari. Naluluha-luha na nga ako sa comp shop e. Pramis ang ganda talaga. Simula palang yun! First 10 palang.. Pero grabe talaga, nagkaleakage! Noong una, sure pa ako na fake yun, pero nung nabasa ko na... shucks. Ito talaga yon! Kung hindi, sasambahin ko yung gumawa nyan. Kasi gayang gaya nya style ni JK Rowling at ang galing ng plot nya. So, 99% sure ako na yun na nga yun. Isa syang malaking spoiler! Pero may maganda syang nagawa sakin(kahit na naubos ang load ko sa internet at halos hinintay ko nang pagsaraduhan ako ng comp shop at hindi ako nakapag-aral para sa Algeb quiz kinabukasan at hindi ko natapos yung genetic problems sa dihybrid cross at hindi ako nakapagbasa ng philo) dahil... muling nag-intesify ang aking pagka harry potter addict. Excited ako sa book7, pero hindi na katulad nung dating mania. Pero after kong mabasa yung leakage, parang nagkaroon ako ng preview, ng trailer!, sa book7. Hindi na ako makapaghintay mag 21! Pupunta na ko ng sm ng 9:30 ng umaga at maghihintay sa labas hanggang magbukas sya! Har har!
At manonood pa nga pala nung Pisay movie! Nakabili na kami ni Jaki ng tiket for thursday, sa 26, kasi akala nung una hindi pwede si jaki ng saturday. At kasama nga pala namin si Alyssa, roommate namin ni jaki. O diba, kahit di sya pisay, gusto nya manood. :) So hindi pa ako 100% sure na manonood ako ng satrday, although gusto ko. At willing akong isara muna ang book7 at iwanan sa kotse habang nanonood ng film.. at parang gusto rin daw manood ni dad, so baka manoood kami nang saturday! yehey!

Sunday, July 15, 2007

"Excuse me, pero hindi nyo ba napapansin na hindi lang kayo ang nanonood sa sinehan??!!!"


Iba't ibang version ng statement na yan ang umiikot-ikot sa utak ko habang nanonood ng Harry Potter and the Order of the Phoenix. Pano kasi habang nanonood.. Sa likod AT sa tabi ko ay isang barkada na yung ibang friends na dapat kasama nila roon ay imbis na sa SM Marilao nagpunta, sa SM Valenzuela! Kaya naman pala ang tagal nilang naghintay! Syempre alam na alam ko nangyari sa kanila kasi pinag-uusapan nila na ang tanga-tanga raw nung mga kasama nila at ang layo ng narating... habang nanonood ng movie!! Grrr... nakakainis talaga... Tapos ang dami nilang side comments sa lahat ng exciting parts ng movie! Tapos pag hindi exciting yung part at daldalan lang, pati sila nagdadaldalan! Buti pa nga yung isa, nag-sh-sshh ng konti pag maingay na talaga. Pero wala ring use, kasi magkkwento rin sya. Tapos tumutunog yung phone nung isa! Tapos meron pang tym na tumunog yung phone nya, tapos biglang may malakas na light na bumukas, parang flashlight! Nakatapat pa sa harap nya- sa amin! Sinasadya nya ba??!! Arrggh!! Grabe... Ang sarap tarayan!!! Pero buti nalang mabait ako... ? . Actually nagsisisi nga ako kasi hindi ko kinapalan mukha ko. Ginagawa ko nalang tumitingin ako sa kanila pag maingay sila para naman marealise nila na kamon, hindi lang sila ang nasa sinehan at ang ingay-ingay nila! Pero wala talaga. Kainis!!! Ang dami pang nanonood nun, hindi tuloy ako makalipat ng chair. Masyado kasi akong mahiyain e. Kaya next time, pag nangyari ulit yun, lagot sila sakin. Joke ;)

Haha... naglalabas ako ng galit dito.. Sorry.

Panonoorin ko uli ang HP 5 Movie at doon na ako manonood sa sine na may guard na sumisita sa mga maingay! hehe



KAYA naman, panoorin nyo ang trailer ng Pisay movie!
http://www.youtube.com/watch?v=zuXGrIWDZ5I

Tuesday, July 10, 2007

7 hours, 3 minutes and 4 seconds


before June 11, 2007. Showing na ang 5th HP movie, ang Harry Potter and the Order of the Phoenix! Actually, hindi accurate yung countdown na yan e. Nakuha ko kasi yan sa mugglenet.com, so British time siguro yan.. Oh well. Basta, bukas na! Excited? no. Kasi hindi ko rin mapapanood bukas e.. :( At kahit mapapanood ko man bukas, hindi rin ako masyadong excited. Natuto na ako. Sa lahat ng Harry Potter movies na nabasa ko na ang book, bago ko mapanood ang movie, nadidisapoint ako. Pagka kasi nabasa ko na yung book, ang ganda. Kaya ang laki ng expectation ko sa movie. Tapos biglang ang daming kulang or binago. Yun tuloy yung naiisip ko pag nanonood. Cino-compare ko yung imagination ko ng events sa book dun sa events sa movie. E ang layo nila. At syempre, mas gusto ko yung version ko nung events. Kaya nadidisapoint ako. Gusto ko syang panoorin, pero I'll lower my expectations. ;)

Inspired

Gosh, pagkatapos kong mabasa yung blog ni Rob(http://the-cloud-rider.blogspot.com/) tsaka ni Ate Frances(http://crazyadventure.wordpress.com/), nahiya ako sa blog ko! Haha.. Yung mga post kasi nila parang articles sa magazines. Ang galing.. nakakaaliw talaga basahin. Kaya naman, bukod sa nahiya ay na-inspire akong magstrive na gawing matino ang mga post ko. Syempre, hindi ko kaya yung level nila... hanggang doon lang ako sa kung ano man ang "matino" para sakin.. Hehe.

Yak talaga... title palang, wala nang kwenta.

:)